kilala mo ba si ROGER? sa mga hindi makakilala sa kanya personally, basahin niyo na lang to. sino ba si roger? Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nakagawa ng lathalain ukol kay roger. Pero sa pagkakataong ito, pipilitin ko ng pagandahin at kumpletuhin para next time, irerecycle ko na lang at gagamiting muli.. Ano nga ba si Roger? Siyempre, obvious na tao siya. Pinanganak siya sa Bulacan noong October 11, 1990 pero itinuturing niya ang kanyang sarili bilang isang Zambaleño. December 16 naman siya biniyagan sa UST. Yap, Katoliko siya. Naku, konserbatibo at tradisyunal mag-isip yang si Roger paminsan-minsan. pero liberal at radical naman minsan. mukhang ewan. Haha. Pangarap niyang makanood ng olympics SA Pilipinas, makapunta sa WYD at maging first world ang Pilipinas. Nag-aaral siya ngayon sa UP Diliman at mukhang naeenjoy naman niya ang buhay dun. Sino ba Siya? Simple lang siya na komplikado. Ang hirap iexplain, wag na lang. Tapos napakataas ng pride niyan pero he can be as humble like the bamboo.. hehe.. naranasan niya na talagang gustong gusto niyang gawin yung isang bagay, pero dahil sa pride, hindi niya ginawa. Nasa lugar naman yung pride niya, kahit minsan, walang kwenta yung dahilan. Pagdating naman sa mga prinsipyo at paniniwala, matibay yan. He always makes it to a point na naisasabuhay niya yung mga prinsipyo niya. Masyado talaga siyang tahimik, hindi nagsasalita palagi, siguro dahil reserved siyang tao. Hindi siya namimili ng mga kaibigan pero konti lang talaga yung nakakakilala sa kanya (ako lang ata). Pero minsan, ang ingay niyan, napaka. Basta't mahuli niyo lang yung point of intersection niyo, magulo na buhay mo. Minsan nga, hindi na yan makahinga sa kakatawa kahit maliit lang yung dahilan(matagal na atang di siya nakakatawa ng ganun). Pero wag ka, iyakin siya. Haha. Basta iyakin yan. At sa experience ko, hindi siya marunong magalit. hindi talaga.. Ai eto pa, isa sa prinsipyo niya ay "Ang school ginawa para mag-aral. Ang bahay ginawa para magpahinga. Ba't ka mag-aaral sa bahay eh may school naman?" Tama di ba? Kaya kahit may exam yan, seldom lang na mag-aaral yan sa bahay. Ilan sa mga memorable moments sa buhay niya: 1. Nahuli siya sa Bio10 class nila na natutulog. Pinalabas siya pero di siya lumabas. Kaya ayun, yung teacher yung nagwalk-out. 2. Napagalitan siya sa Math17 class nila dahil nag-iingay siya. Muntik na namang mapalabas. Haha.. 3. Maling plastic bag yung nakuha niya sa package counter ng grocery.. graBe.. nakakahiya.. haha 4. recently lang, nakalimutan niyang mgabayad sa jeep nung sa UP ikot. haha. narealize niya lang nung nakababa na siya. para siyang engot na tumatawa habang naglalakad papunta sa bahay. hahaha. 5. madaming madaming madami pang iba. =) Nasaan si Roger? Palagi siyang nandyan, kumakatok sa puso niyo, umaasang papatuluyin mo kasi dun mo lang siya talaga makikilala. Ang drama.. haha. Kailan si Roger? Sana, gusto niya na kahit wala na siya, buhay na buhay pa rin yung alaala niya. Yun bang parang he lives in the lives of others.. Gusto niyang mabuhay habang panahon.. haha.. I thought I can summarize the whole of Roger sa sulating ito. But I was wrong. I was hoping na maipakilala ko siya nang buong buo para hindi na siya mamisinterpret ng iba at para makilala niyo siya talaga tulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Madami pa akong gustong ikwento. Madaming pumapasok sa isip ko pero nawawala din agad. Ganito nga talaga siguro dapat, hindi mo maikakahon ang isang tao sa isang pirasong papel na ito o kahit sa encyclopedia pa. And the nice thing is, it's for you to find out kung sino ba talaga si Roger. Hindi lang siya fun. Basta. Hirap iexplain. Undefined siya. Hehe.. Isang taong punong puno ng pangarap at gustong kasama ka sa pag-abot ng mga yun. Light the flame, share the dream. Naks. Astig! Akala ko makukumpleto ko ito pero nagkamali ako. Nu ba yan. Gusto ko talagang ishare yang buhay ng Roger na yan sa iba.. Anyway, dapat isave ko na lang to para magamit kong muli next time.. ieeedit ko na lang at dadadagdagan pagnagkataon.
NEVER ENOUGH: a reminder to the followers of traditional, exclusive and dogmatic form of activism
![]() Arroyo seeking House seat in 2010kung totoo man to, sana naman, mag-isip-isip si Arroyo.kaya pala napaka-atat ng mga kongresista na mabago ang konstitusyon. tatakbo pala si Arroyo sa parliament. putek. am I for ChaCha? well, i am not for a parliamentary type of government.... more
| ||||||||||||||
| ||||||||||||||
